Posibleng madagdagan ang isasampang kaso ng Criminal Investigation And Detection Group (CIDG) sa Berjaya Hotel.
Ito’y makaraang tinakasan ng isang balikbayan ang kanyang hotel quarantine sa naturang pasilidad.
Sinabi ni DILG Spokesperson Undersecretary Jonathan Malaya na iba ito sa inisyal na reklamong isinampa sa mga indibidwal na sangkot sa nasabing insidente.
Sa ngayon aniya, tinitignan pa lamang ng CIDG kung ano pa ang karagdagang kaso ang isasampa
Samantala, hindi pa inilalabas ng CIDG kung ano ang mga kaso ang isasampa sa mga sangkot naman sa naturang insidente.