Agad na pupulungin ni Special Envoy to the Middle East at Environment Secretary Roy Cimatu ang mga tauhan ng Departments of Foreign Affairs (DFA) at Labor and Employment na itinalaga para sa repatriation ng mga manggagawang Pilipino.
Ito’y ayon kay Cimatu ang unang hakbang na kanya gagawin pagdating sa Middle East.
Sinabi ni Cimatu, nai-deploy na ng DFA at DOLE ang kanilang quick rapid response team sa Qatar.
Aniya, kailangang matiyak na kumpleto na ang mga kakailanganin para sa repatriation lalo na’t meron lamang tatlong araw ang mga ililikas na OFWs para manatili sa mga bansang tinukoy bilang transit points tulad ng Qatar at Dubai.
…our preparedness, mayroon na ba tayong mga na contact in case, kung wala pa tayong mga transportation out of this countries? Where will we put these people because they cannot be allowed to be staying in one country without the specific permission,” ani Cimatu.