Binigyan ng sapat at malawak na kapangyarihan si Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu upang pangasiwaan ang pagkontrol sa pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Cebu City.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, maaaring gamitin ni Cimatu ang lahat ng kapangyarihan na maaaring gamitin ng pangulo.
Pinapayagan rin anya si Cimatu na gamitin ang Armed Forces of the Philippines kung kinakailangan.
Sinabi ni Roque na hindi ito maituturing na martial law dahil nadesisyunan na ito ng Korte Suprema na maaaring gamitin ang mga sundalo sa pagpapatupad ng pandemic protocols.