Hinikayat ni Environment Secretary Roy Cimatu ang publiko na bawasan ang mga basura ngayong holiday season.
Ayon kay Cimatu, tuwing Christmas season naitatala ang pinakamaraming basura sa Metro Manila.
Aniya, nasa higit 66,000 cubic meters ng basura na ang naitala sa loob ng unang anim na buwan ng taon.
Inirekomenda ni Cimatu ang paggamit ng mga eco friendly na materyales para sa mga ipangreregalo ngayong pasko.
Bukod dito, hinikayat din ang publio na gumamit ng mga reusable dinnerware kaysa mga single used plastic wastes.