Nagbitiw na sa kanyang pwesto si Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu.
Kinumpirma ito ni cabinet secretary at acting presidential spokesperson Karlo Nograles na ang pagbitiw ni Cimatu ay dahil sa mga kadahilanang pangkalusugan.
Kinuha ni Cimatu ang pamumuno ng DENR mula sa yumaong environmental advocate na si Gina Lopez.
Sa kanyang panunungkulan, pinangunahan ni Cimatu ang mga proyektong rehabilitasyon ng Boracay noong 2018 at Manila Bay, kabilang ang Dolomite Beach.
Samantala, naglabas na ng isang memorandum ang Office of the President na nagtalaga kay DENR Undersecretary Jim Sampul na bilang officer-in-charge ng departamento. —sa panulat ni Kim Gomez