Tiniyak ni Cebu City COVID-19 Response Overseer at Environment Secretary Roy Cimatu ang pagsasampa ng kaso laban sa mga lumabag sa quarantine protocols sa isang barangay sa Cebu City.
Kaugnay ito ng isinagawang prusisyon ng imahe ng Señor Sto. Niño sa Barangay Basak San Nicolas sa kabila ng umiiral na enhanced community quarantine sa cebu city.
Ayon kay Cimatu, magsisilbing halimbawa sa ibang posibleng sumunod o tumulad sa naging aksyon ng ilang indibiduwal sa nabanggit na barangay sa Cebu ang pagsasampa ng kaso ng pamahalaan laban sa mga ito.
Iginiit ni Cimatu, malinaw na pagsuway sa protocol ng pamahalaan ang nangyaring aktibidad noong nakaraang sabado.
Aniya, kabilang ang kapitan ng Barangay Basak San Nicolas sa labing apat na sasampahan ng kaso dahil sa pagsasagawa ng prusisyon.