Tiniyak ng cinema operators sa publiko na ligtas na lugar ang mga sinehan ngayong binuksan na ang mga ito matapos ang 19 na buwang pagsasara.
Ayon kay Charmaine Bauzon, presidente ng Cinema Exhibitors Association Of The Philippines (CEAP) walang dapat ikabahala ang publiko sa muling pagtungo sa mga sinehan.
Sa katunayan aniya ilang LGU ang gumamit sa mga sinehan para magsilbing vaccination center at wala namang napaulat na naging super spreader ang mga taong naghihintay sa loob ng ilang oras.
Kasabay nito, binigyang diin ni Bauzon na tanging mga fully vaccinated lamang na indibidwal ang papayagang makapasok sa mga sinehan.