Inirekomenda ng OCTA Research Group ang pagpapatupad ng “circuit-breaker” lockdown sa National Capital Region.
Ito’y matapos makitaan muli ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa NCR kasabay ng banta ng Delta variant.
Ayon kay Dr. Guido David, ang lockdown na ito ay maituturing na anticipatory o preventive circuit na magandang ipatupad sa susunod na dalawang linggo.
Ani David, maihahalintulad ito sa isang palaro kung saan tila nakikipag unahan tayo sa Delta variant para mapigilan itong kumalat.
Habang hindi pa aniya nababakunahan ang malaking populasyon sa bansa, maiging magpatupad muna na ng mga hakbang na makakapigil sa pagkalat ng sinasabing mas nakakahawang variant ng COVID-19.