Suportado ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion at ilan pang business leaders ang panukala ng OCTA Research Group na dalawang linggo Circuit Breaker Lockdown sa Metro Manila.
Sinabi ni Concepcion na kailangang kumilos kaagad dahil sa banta ng mas delikadong Delta variant ng Coronavirus.
Maganda na aniyang pagkakataong mag lockdown sa panahong ito ng Habagat kaysa sa ber-months o christmas season kung saan magiging mabigat ang epekto sa ekonomiya ng bansa at makapagpapa-delay sa maraming bagay.
Sang-ayon din si George Barcelon, Chairman ng Philppine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) sa pagpapatupad ng two week lockdown subalit dapat mabigyan ng sapat na panahon ang business sector para makapaghanda.
Binigyang-diin naman ni Henry Lim Bon Liong, Pangulo ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce na kailangang isakripisyo na ang dalawang unang linggo ng Agosto na siyang tamang panahon para mag lockdown at maging maganda ang pasko ng mga Pilipino.