Isinantabi na ng PhilHealth ang circular nito hinggil sa pansamantalang pagsuspindi sa pagbabayad ng claims sa mga ospital.
Ito ayon kay PhilHealth Spokesperson Dr. Shirley Domingo ay habang nakikipag usap sila kay Health Undersecretary Leopoldo Vega at mga ospital kaugnay sa hindi pa nababayarang claims.
Idinipensa ni Domingo na dapat din nilang tugunan ang posibleng insurance fraud sa claims ng ilang ospital kaya’t maaaring ibalik ang nasabing circular sa mga susunod na araw.
Nakasaad sa circular ang mga panuntunan sa Temporary Suspension of Payments of Claims (TSPC) bilang preventive measure laban sa healthcare providers na iniimbestigahan pa.