Binuksan na ng Department of Public Works and Highways o DPWH ang Circulo del Mundo Bypass Road sa Pasay City.
Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, layon ng naturang hakbang na maibsan ang traffic congestion sa NAIA Terminal 3 ng hanggang sa 40%.
Sinabi pa ni Villar na ang Circulo del Mundo Bypass Road ay para sa mga motoristang magmumula sa Sales Avenue patungong NAIA Terminal 3.
By: Meann Tanbio