Inatasan ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Zamboanga ang City Health Office (CHO) na i-maximize ang available resources upang mapigilan ang pagkalat ng dengue.
Ayon kay City Mayor John Dalipe, nananatiling nasa “outbreak mode” ang Zamboanga matapos pumalo sa 2,971 ang dengue cases sa lungsod, kabilang ang 20 nasawi.
Kasabay nito, nanawagan sa publiko ang LGU na suportahan ang kampanya ng pamahalaan laban sa dengue lalo na ngayong panahon ng tag-ulan.