Handa na ang City of Ilagan sa Isabela para sa inaasahang pananalasa ng Bagyong Maymay.
Ayon kay Ilagan Mayor Jay Diaz, nakapaghanda na sila para maabot ang target na 100 % zero casualties.
Hindi lamang ito para sa pananalasa ng bagyong maymay kundi ng iba pang mga kalamidad.
Nanguna naman si Diaz sa pagpupulong ngayong araw ng City Disaster Risk Reduction and Management Council kasama ang Committee Chairperson on Disaster Preparedness para pag-usapan ang pagdating ng bagyo.
Kabilang ang City of Ilagan sa Isabela sa mga nagsuspinde ng klase ngayong araw sa lahat ng lebel, pampubliko man o pribado.