Nagbabala ang city veterinarian ng lungsod ng Quezon sa mga hog raisers hinggil sa pagpapakain ng kaning baboy sa kanilang mga alaga.
Ayon kay Quezon City Veterinatian Dr. Ana Marie Cabel, kailangang lutuin mabuti ang mga kaning baboy lalo na kung ang laman ng mga ito ay nanggaling sa mga pagkaing mula sa mga ospital.
Aniya, maaaring makakuha ng mga bacteria at parasites ang mga alagang baboy kung hindi ito maayos na naihahanda bago kainin.
Matatandaang nagbabala rin si Quezon City Mayor Joy Belmonte na maaaring kasuhan ang mga hog raisers na nagpapakain ng kaning baboy.