Nakatanggap ng Tourism Resilience Award at Outstanding Community Service Award ang Citystate Asturias Palawan Hotel mula sa City Government ng Puerto Princesa sa ginanap na tourism gala and awards night.
Pinangunahan ito ng Tourism Department noong September 28, 2022 sa Aziza Hotel, Puerto Princesa City, Palawan.
Ang naturang parangal ay pagkilala sa pagsisikap ng hotel bilang isang tourism enterprise at para sa patuloy na pagpapamalas ng kanilang serbisyo sa gitna ng mga hamon sa mga nakalipas na taon.
Maliban sa dalawang parangal, nakatanggap din ang Citystate Asturias ng 3 certificates of recognition para sa kontribusyon nuong kasagsagan ng krisis sa COVID-19 pandemic.
Binigyang pagkilala rin ng recognition ang paglahok ng Citystate Asturias sa food pantry project, kontribusyon sa tabang food drive, at bilang quarantine facility nuong pandemya.
Samantala, sa ngalan ng Citystate Asturias Palawan Hotel, tinanggap ni Angelica C. Duran, Human Resources Officer, ang mga parangal at pagkilala sa naganap na gala and awards night.
Ang Citystate Asturias Palawan Hotel ay miyembro ng ALC Group of companies na itinatag ni late ambassador antonio l. Cabangon chua, at kasalukuyang pinamumunuan ng chairman na si D. Edgard A. Cabangon.