Pagmamahal at pagtitiwala sa gawa at salita.
Ito ang binigyang-diin ni D. Edgard Cabangon, chairman ng CityState Savings Bank matapos pangunahan ang pagdiriwang ng ika-25 anibersaryo ng nasabing bangko na nakatutok sa pagpapaigting ng kampanya para makapag-impok ang mga pilipino.
Nagpasalamat din si Cabangon sa tulong ng mga empleyado para maipagpatuloy ang commitment at legacy ng amang si dating Ambassador Antonio Cabangon Chua para sa serbisyo publiko.
Pasasalamat din sa dating ambassador ang ipinaabot ni Jaime Valentin, Chief Operating Officer ng CS Bank para maisakatuparan ang mga vision, mission at core values ng bangko na kanila pang paiigtingin sa susunod na limang taon.
Target aniya nilang mapabilang ang citystate savings bank sa top 10 thrift banks sa buong bansa at top 5 private lending institutions sa susunod na sampung taon kasama ang pagtatayo ng mga sangay sa iba’t ibang rehiyon.
Sinabi naman ni Benjie Ramos, Presidente ng CS Bank na pursigido silang gawin ang marami pang mga bagay para palawigin pa ang kanilang operasyon bilang bahagi ng serbisyo publiko sa pamamagitan ng CityState Savings Bank.