Masusing pinamo-monitor ng Civil Aeronautics Board (CAB) sa lahat ng international at local airline companies na nago-operate sa Kalibo at Caticlan airport ang bookings ng mga pasaherong nagtutungo sa Boracay.
Sa gitna na rin ito nang mahigpit na pagpapanatili sa carrying capacity na mahigit labing siyam (19) na libo kada araw kabilang ang mahigit anim (6) na libong turista.
Applicable ang direktiba sa mga scheduled, non-scheduled local international flights sa Roxas airport sa Roxas City, Capiz at Iloilo International Airport sa Iloilo City na kinukunsidera na daanan ng mga pasaherong nais magtungo ng Boracay.
Ang hakbang ay bahagi pa rin nang patuloy na rehabilitation efforts sa isla kung saan ang mga may bookings lamang sa mga accredited hotels at resorts ang pinapayagang makapasok sa isla.