Nagsampa ng civil case sa Pasig RTC ang 7 miyembro ng Philippine Olympic Committee (POC) executive board laban sa Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC).
Ito ayon sa POC executive board ay dahil sa kabiguan ng PHISGOC na mabigyan sila ng kopya ng accounting o kung paano ginastos ang pondo sa isinagawang 30th sea games nuong isang taon.
Ang nag iisang respondent sa reklamo ay si Ramon Tat Suzara, Pangulo at Chief Operating Officer ng PHISGOC Foundation Incorporated na bigong makagawa ng report kabilang ang audited financial statements na ino obliga ng POC general assembly resolution noong Septyembre 30 at kailangang maisumite ng Oktubre 30.
Kabilang sa mga lumagda sa reklamo sina POC Chairman Steve Hontiveros, first VICE PRESIDENT JOEY ROMASANTA, Second Vice President Retired Colonel Jeff Tamayo, Treasurer Julian Camacho, Auditor Jonne Go at board members Robert Manaquil at Atty Clint Aranas.
Maliban kay Hontiveros, inaprubahan ng 6 na iba pang board members ang pagsasampa ng civil suit laban sa PHISGOC kung saan tumayong chairman si dating house Speaker Alan Peter Cayetano sa kanilang isinagawang online session nuong Oktubre 30.
Bigo ang anim sa 13 member board na makakuha ng notarized certification ng board resolution mula kay POC Secretary General Atty. Edwin Gastanes bilang legal requirement para maisampa ang kaso sa kabila ng formal query mula kay Mikee Cojuangco-Jaworski, board member ng International Olympic Committee Executive Board sa naging aksyon sa usapin ng secretary general.
Subalit nakakuha ng approval ni Hontiveros na nag preside sa pulong bagamat hindi bumoto para lamang matakpan ang legal na usapin sa resolusyon.