Natuloy pa rin ang 2019 Career Service Examination – Pen and Paper Test ng CSC o Civil Service Commission sa buong bansa ngayong araw.
Ito’y sa kabila ng nararanasang masamang panahon na dulot ng hanging habagat na pinaigting pa ng Bagyong Hanna.
Ayon kay Civil Service Commissioner Atty. Aileen Lizada, aabot sa 276,000 examinees ang kumuha ng pagsusulit sa buong bansa.
Mula sa nasabing bilang, 243 rito ang para sa professional level habang ang nalalabing 33,000 na mga examinees ay para naman subprofessional level.
Sa Metro Manila pa lamang aniya, aabot na sa tinatayang 60,000 mga examinees ang kumuha ng pagsusulit sa 3 testing centers.
Eksaktong ala 7:30 kanina nang magsara ang mga testing centers kung saan, hindi na pinapasok ang mga nahuli o hindi dumating sa takdang oras.