Plano na rin ng Civil Service Commission (CSC) na gayahin ang paraan ng Supreme Court na gawing Digitalized at Regionalized ang Civil Service Examination.
Hiniling ni CSC Chairman Karlo Nograles kay Chief Justice Alexander Gesmundo na payagan ang mga kinatawan ng Komisyon na mag-obserba sa operasyon ng bar examinations sa Command Center sa Ateneo De Manila University.
Ang naturang Command Center ang nag-mo-monitor sa idinaraos na bar examinations sa 14 na local testing centers.
Nakasaad sa liham ni Nograles na nais din ng CSC na gawing digital na ang Civil Service Exam mula sa nakagawiang pen and paper examinations.
Interesado rin ang komisyon na malaman ang mga paraan at operational procedures sa pagsasagawa ng localized at digitalized exam.