Civil union at hindi same sex marriage ang isusulong sa Kongreso ni House Speaker Pantaleon Alvarez.
Nilinaw ito ni Alvarez makaraang tutulan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang same sex marriage dahil labag ito sa family code.
Ayon kay Alvarez, itutulak nyang maamyendahan ang family code at mabigyan ang mga nagsasamang miyembro ng LGBT ng karapatan sa ari-arian ng kanilang partners, karapatang magmana, karapatang umampon at iba pa.
Bahagi ng pahayag ni Speaker Pantaleon Alvarez
Samantala, hindi mapapalitan ng kahit anong uri ng batas ang kalikasan na ang kasal ay para lamang sa isang lalake at isang babae.
Reaksyon ito ni retired Archbishop Oscar Cruz sa mainit na usapin hinggil sa isusulong na panukalang batas sa same sex marriage.
Ayon kay Cruz, sa ngayon ay mayroon nang mga sekta sa Pilipinas na mayroong same sex marriage, bagamat hindi ito kinikilala ng gobyerno.
Gayunman, sa panig anya ng Simbahang Katoliko, tungkulin nila na ipalaganap ang alam nilang tama at ipinauubaya na nila sa mananampalataya kung susundin ito.
Bahagi ng pahayag ni retired Archbishop Oscar Cruz
By Len Aguirre | Ratsada Balita (Interview)