Namigay ng regalo para sa mga empleyado ng Korte Suprema si Chief Justice Teresita de Castro.
Inianunsyo ito ni De Castro sa huling flag raising ceremony na kanyang dinaluhan bilang Punong Mahistrado ng Korte Suprema.
Chief Justice Teresita Leonardo-De Castro addresses the Members of the Court and SC employees during her last flag-raising ceremony. pic.twitter.com/SNnfT78i9f
— Supreme Court PIO (@SCPh_PIO) October 8, 2018
Ayon kay De Castro, ang token of appreciation ay hindi lamang mula sa kanya kundi sa iba pang mahistrado ng Korte Suprema upang matiyak ang kaayusan ng kanilang mga empleyado.
Sinalubong ng ingay ng tambol, ribbons, baloons at thank you tarpulin si De Castro sa kanyang ika-pitumpung kaarawan, o dalawang araw bago maging epektibo ang kanyang pagreretiro sa Supreme Court.
Isa-isang pinasalamatan ni De Castro ang kanyang mga nakatrabaho sa loob ng mahigit sa 10 taong panunungkulan bilang mahistrado at 41 araw bilang Punong Mahistrado.
—-