Siniguro ni Chief Justice Alexander Gesmundo sa mga grupo ng abogado sa bansa na puspusan ang kanyang ginagawang hakbang para ma-decongest o mapaluwag at tuluyang mabawasan ang nakabinbing mga kaso sa iba’t-ibang korte sa bansa.
Ayon kay Gesmundo, sa kanyang liderato makaaasa ang publiko na kanyang papaganahin ang makabagong teknolohiya para makatulong sa pagpapabilis ng judicial system ng bansa gayundin ang mga proseso na ginagawa sa korte.
Mababatid ani Gesmundo na sang-ayon sa kanyang proyekto na “technology-driven judiciary”, nais niyang bumuo ng E-court system para sa pagpapataas sa virtual access sa mga reports.
Giit pa ng punong mahistrado, target nitong maisama sa naturang system filing ng mga complaints hanggang sa promulgation ng mga kaso at maging ang execution ng mga judgements ng mga huwes.