Binigyang parangal si Supreme Court Chief Justice Lucas Bersamin sa kanyang huling flag raising ceremony bilang miyembro ng Korte Suprema.
Present sa okasyon ang 13 mahistrado ng Korte Suprema maliban kay Associate Justice Jose Reyes.
Nagkaroon ng military honors para sa Chief Justice kung saan nagmartsa rin si Bersamin bago nagbigay ng kanyang talumpati.
Nakatakdang magretiro si Bersamin sa kanyang ika-70 kaarawan sa October 18.