Balik-trabaho na ngayong araw si Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno matapos ng mahigit dalawang buwang pagbabakasyon.
Batay sa source ng DWIZ sa Korte Suprema, dakong alas-7:30 nang dumating si Sereno sa Korte Suprema para mag-report sa trabaho.
Tumawag rin umano si Sereno kay acting Chief Justice Antonio Carpio kaninang umaga at nagpa-abisong magrereport na sa siya sa trabaho.
Ang pagbabalik-trabaho ni Sereno ay nangyari dalawang araw bago ang nakatakdang botohan ng mga mahistrado ng Korte Suprema ang quo warranto petisyon na inihain ni Solicitor General Jose Calida sa Punong Mahistrado.
Samantala, dakong alas-10:40 naman ng lumabas si Sereno ng kanyang tanggapan para magpakita at kumaway sa kanyang mga tagasuporta na nasa labas ng Korte Suprema.
(Ulat ni Bert Mozo)