Binigyang diin ni Supreme Court Chief Justice Diosdado Peralta ang kahalagahan ng pagkakaroon ng Philippine Judiciary Marshal.
Ito’y sa harap na rin ng sunud-sunod na pananambang sa mga miyembro ng hudikatura kung saan, pinakahuli rito ay ang hukom mula sa Libmanan, Camarines Sur.
Ayon kay Peralta, ang itatatag na Judiciary Marshal aniya ang siyang magiging takbuhan ng mga miyembro ng hudikatura na nabibiktima ng krimen.
Sa ngayon aniya kasi, tangong mga law enforcement agencies lamang tulad ng pulisya at militar ang kanilang natatakbuhan sa tuwing may ganitong insidente.
Umaasa si Peralta na sa pagbabalik sesyon ng Kongreso sa susunod na buwan, maaktuhan na ang kanilang apila para maisabatas na ito.