Nanumpa na sa Pangulong Rodrigo Duterte si bagong talagang Supreme Court Chief Justice Diosdado Peralta.
Si Peralta, na ikatlong chief justice appointee ng Pangulong Duterte, ay humalili kay justice Lucas Bersamin at nakatakdang magsilbing punong mahistrado hanggang Marso 2020.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, sinabihan ng pangulo si Peralta na tiyaking patas at makatotohanan ang Korte Suprema sa ilalim ng kaniyang panunungkulan.
Samantala, tiwala ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) na mapapabilis ang pag resolba sa mga kaso sa ilalim ng pamumuno ni Peralta.
Ayon kay IBP President Domingo Egon Cayosa, sa 25 taong panunungkulan ni Peralta sa Hudikatura, batid na nito ang mga kasong nakatambak sa korte, lalo na’t may mga kasong naresolba na rin nito nuong nakatalaga bilang trial court judge, justice ng Sandiganbayan, at mahistrado ng Korte Suprema.