Ibinasura ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno ang hirit ng kampo ni Makati City Mayor Junjun Binay na mag-inhibit sa pagdinig ng kaso nito kaugnay ipinataw sa kanya na 6-month preventive suspension ng Ombudsman.
Ayon kay Atty. Theodore Te, tagapagsalita ng Korte Suprema, bukod kay Sereno, tumanggi rin sina Supreme Court Associate Justices Antonio Carpio at Matin Villarama Jr. na mag-inhibit sa kaso ni Binay.
Iginiit ni Te na boluntaryo aniya sa panig ng mga inaakusahan kung dapat silang mag-inhibit o hindi sa naturang kaso.
Una ng kinuwestyon ng kampo ni Binay ang ipinataw na suspensyon ng Ombudsman sa alkalde dahil sa imbestigasyon laban dito kaugnay ng umano’y maanomalyang pagpapatayo ng Makati City Hall II Parking Building.
By Meann Tanbio | Bert Mozo (Patrol 3)