Sumiklab ang bangayan sa pagitan nila Chief Justice On Leave Maria Lourdes Sereno at Associate Justice Teresita Leonardo – De Castro.
Ito’y sa pagbubukas ng oral arguments ng Korte Suprema kaugnay ng inihaing Quo Warranto petition ng Solicitor General laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Natuon ang sagutang De Castro at Sereno sa isyu ng tamang pagsusumite ng Statement of Assets Liabilities and Net worth mula nang maupo si Sereno sa high tribunal nuong 2009.
Pero nanindigan si Sereno na wala siyang ginawang mali sa paghahain ng SALN dahil dumaan naman sa tamang proseso ng JBC ang nominasyon sa kaniya bilang mahistrado hanggang sa siya’y maupo bilang Chief Justice nuong 2013.