Hinamon ng House Justice Committee si Chief Justice Maria Lourdes Sereno na personal na dumalo sa pagdinig ng impeachment complaint laban sa kanya.
Ayon kay Justice Committee Chair Representative Reynaldo Umali, karapatan ng punong mahistrado na kwestyunin at sagutin ang mga isyung ibinabato sa kanya ng mga ipiprisintang mga witness.
Aniya, mas makabubuti kung personal na masasagot ni Sereno ang mga grounds of impeachment na tinukoy sa inihaing impeachment complaint ni Atty. Larry Gadon.
Una nang pinalagan ng kampo ng Punong Mahistrado ang inihaing kaso ni Gadon.
Iginiit ni Atty. Carlo Cruz, tagapasalita ni Sereno na hindi impeachable offense ang mga tinukoy na paglabag sa reklamo ni Gadon.
—-