Walang legal na batayan upang ipaaresto ng Kamara si Chief Justice Maria Lourdes Sereno kung hindi ito dadalo sa impeachment proceedings laban sa kanya.
Ayon sa legal expert na si Atty. Romulo Macalintal, kung maitutulad sa isang preliminary investigation ang proceedings ng House Justice Committee, lalong walang dahilan ang Kamara na maghain ng arrest warrant laban kay Sereno.
Kung hindi aniya nagsumite ng counter – affidavit matapos ipa – subpoena ang isang respondent, ang investigating officer ang dapat mag – resolba sa reklamo batay sa mga ebidensyang iprinesenta ng complainant.
Ipinunto ni Macalintal na ang kabiguan ni Sereno na dumalo sa hearing ay maikukunsiderang waiver ng kanyang right to controvert the evidence na iprinesenta laban sa kanya.
Ipinaalala naman ni Atty. Romi Mac sa mga Kongresista na nagsisilbing prosecutor na ang kanilang tungkulin, na usigin ang mga may kasalanan at protektahan ang mga inosente.