Hindi pipilitin ng Kamara si Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno na sumipot sa isasagawang pagdinig ng House Committee on Justice sa Miyerkules, Nobyembre 22.
Ito’y may kaugnayan sa isinampang impeachment ni Atty. Larry Gadon laban kay Sereno kung saan, inaasahang makakaharap nito ang mga nag-aakusa sa kaniya sa isang cross examination.
Ayon kay Umali, kawalan ito para kay Sereno na makaharap at makastigo kung kinakailangan ang mga nag-aakusa sa kaniya gayundin para maipagtanggol nito ng harapan ang kaniyang sarili.
Una nang inihayag ng kampo ni Sereno na hindi tiyak ang pagdalo ng Punong Mahistrado sa nasabing pagdinig dahil ayaw ng mga abogado nito na siya ang humarap sa mga testigo laban sa kaniya.
—-