Hiniling ng kampo ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa House Justice Committee na payagan silang magsagawa ng cross examination sa mga testigo laban kinahaharap na impeachment complaint ng Punong Mahistrado.
Nakasaad sa sulat na ibinigay ng mga abogado ni Sereno kay Committee Chairman Rey Umali na karapatan ng akusado sa ilalim ng konstitusyon na makumpronta ang mga tetestigo laban sa kanya.
Ani Sereno, dapat full pledged witnesses ang mga resource person na haharap at tatanungin ng mga miyembro ng komite.
Samantala, nilinaw ng mga abogado ni Sereno na hindi personal na haharap sa pagdinig ng komite ang Chief Justice.
Nauna rito, nagdesisyon ang House Justice Committee na sufficient in form and substance ang unang impeachment complaint laban kay Sereno na inihain ni Atty. Larry Gadon.
—-