Umapela ang nakabakasyong si Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa Senado na siyang uupong impeachment court na bigyan siya ng isang araw para maidepensa ang kaniyang sarili.
Ito’y sa sandaling ganap nang mai-akyat sa Senado ang impeachment complaint laban kay Sereno batay na rin sa magiging resulta ng botohan ng Committee on Justice sa Kamara sa susunod na linggo.
Giit ni Sereno, mainam na hayaan ng mga mambabatas na manaig ang tamang proseso alinsunod sa batas at dapat bigyang galang ang sinuman na haharap sa paglilitis laban sa kaniya.
Kasunod nito, nanindigan si Sereno na wala siyang utang kaninuman hinggil sa kaniyang posisyon kaya’t wala ring sinuman ang dapat na magpasya sa kaniyang kapalaran bilang punong mahistrado.
Jaymark Dagala / Bert Mozo / RPE