Ikinadismaya ng kampo ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno ang naging desisyon ng House Justice Committee na pagbawalan silang makapag-cross examine sa mga testigo laban sa Punong Mahistrado.
Ayon kay Atty. Josa Deinla, isa sa mga abogado ni Sereno nakalulungkot aniyang pinagkakaitan ng karapatan ang Punong Mahistrado na siyang dating nagtatanggol at nanindigan para sa karapatan ng iba.
Gayunman, sinabi ni Deinla na positibo pa rin si Sereno na mananatili ito sa puwesto bilang punong mahistrado sa kabila ng isinampang impeachment case laban dito.
Matatandaang tatlumpung (30) mambabatas ang bumoto na huwag payagang makapag-cross examine ang legal team ni Sereno sa ngalan ng punong mahistrado habang apat naman ang pabor dito.
—-