Malabong mapaaresto ng House Committee on Justice si Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno kahit hindi nito kilalanin, sakaling padalhan siya ng subpoena para dumalo sa impeachment hearing.
Ayon kay Atty. Glen Subia, Law Professor sa Arellano University Law School, ang parusa sa impeachment at pagpapaalis lamang sa puwesto.
Maaari lamang anyang arestuhin ang isang miyembro ng constitutional body kung ang parusa sa sinasabing pagkakasala niya ay pagkakulong ng mahigit sa anim na taon.
Maliban dito, malabo rin aniyang dumalo sa impeachment hearing si Sereno para lamang sumagot sa mga tanong ng mga kongresista.
“Unang-una hindi mo puwedeng puwersahin ang tao na mag-testify against himself tapos tatanungin nila yun, tatanungin nila ukol sa ebidensya eh di bawal din yun, kung gusto niyong mag-prosecute maghanap kayo ng ebidensya, huwag niyong tanungin yung taong pino-prosecute niyo, so malabo yan, I don’t think yun ang ibig sabihin kung ano man ang nasabi ni Umali na ipapaaresto kung hindi mag-appear because as a lawyer alam niya yun.” Pahayag ni Subia
(Ratsada Balita Interview)