Malaki umano ang tyansa na mapatalsik sa pwesto si Chief Justice Maria Lourdes Sereno sakaling mapatunayang may hindi ito ideneklarang yaman sa kanyang SALN o Statement of Assets liabilities and Networth.
Ayon kay Deputy Speaker Fredenil Castro, ito rin kasi ang naging basehan noon nang tanggalin sa pwesto si noo’y Chief Justice Renato Corona.
Gayunman aminado si Congressman Castro na nakadepende pa rin ito kung may makikitang probable cause sa impeachment case ni Sereno.
Noong Biyernes, idineklara ng Kamara na may sapat na basehan ang isinampang impeachment complaint ni Atty Larry Gadon laban sa punong mahistrado.