Kumpiyansa si Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno na may malaki at malakas na makinarya aniyang nagpapatakbo sa mga pag-atake laban sa kaniya tulad ng reklamong impeachment.
Iyan ang binigyang diin ng naka-bakasyong Punong Mahistrado sa isang forum na dinaluhan nito sa University of the Philippines sa Diliman kahapon.
Bagama’t hindi pinangalanan, may pinatamaan din si Sereno hinggil sa mga nasa likod ng pagpapakalat ng mga pekeng balita gayundin ang pang-iinsulto sa mga personalidad at grupo.
Ginagamit aniya ang mga paninira para gibain ang mga umiiral na institusyon sa bansa na nagdudulot ng pagkakawatak-watak na sa huli ay pakikinabangan ng iisang tao lamang.
—-