Nag aalala si Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa napaulat na death threat laban sa mamamahayag na si Jomar Canlas matapos itong humarap sa impeachment proceedings laban kay Sereno.
Dahil dito ipinabatid ni Atty Josa Deinla, spokesperson ni Sereno na nais ng punong mahistrado na maimbestigahan ang death threat kay Canlas.
Sinabi ni Deinla na iginiit ni Sereno na dapat matiyak na protektado ang mga mamamahayag at nagta trabaho ng walang takot.
Binigyang diin aniya ni Sereno ang pagkilala nito sa kalayaan ng media practitioners gayundin ang kanilang karapatan sa kanilang seguridad.