Nanindigan si Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno na mayroong sabwatan sa pagitan ni dating Pangulo ngayo’y kongresista Gloria Macapagal Arroyo at mga dating opisyal ng Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO.
Inihayag ito ni Sereno makaraang maglabas ng pagkadismaya hinggil sa naging desisyon ng kanyang mga kapwa mahistrado na nagpapawalang-sala sa dating Punong Ehekutibo.
Binigyang diin ng Punong Mahistrado na hindi na pinansin ng mayorya sa kanyang mga kasamahan ang mga iligal na pamamahagi ng intelligence fund ng PCSO gayundin ang pagpapatupad ng budget ceilings sa pamamagitan ng commingling of funds.
Binalewala rin aniya ng iba pang mga mahistrado ang report sa Commission on Audit o COA ni dating PCSO Budget Officer Benigno Aguas na kapwa akusado ni Arroyo na umaming napunta mismo sa tanggapan ng dating pangulo ang 244 mula sa kabuuang 336 million pesos na intell fund ng PCSO.
By Jaymark Dagala