Dumalo si Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa isang misa na inorganisa ng kanyang mga supporter sa University of the Philipines (UP) Diliman chapel.
Kabilang sa mga dumalo sa naturang misa ay ang mga miyembro ng gabinete ni dating Pangulong Noynoy Aquino na sina Dinky Soliman, Ramon Jimnez at Teresita Deles.
Sa kanyang naging talumpati, muling binigyang – diin ni Sereno ang pagiging independent ng hudikatura, kahalagahan ng demokrasya at separation of power.
Ipinaliwanag din ni Sereno na mahalaga tulad ng pagkain ang katotohan, hustisya at pagkamatuwid.
Sinabi pa ni Sereno na hindi siya bibitiw sa kanyang laban.
Aniya, naniniwala pa rin siya sa due process at sa mga sumusuporta sa kanya.
Hinihiling ko po kayong magmasid sa aming mga Korte, marami na pong nangyayari.
Dahil po ba sa mga pinag – kumpol – kumpol na mga kasinungalingan ito, gusto po bang pigilan ang mga reporma nangyayari.
Kung naniniwala po kayo na ang due process ay importante, kasi snasagot naman po ng tuloy – tuloy na reporma sa ating mga proseso, makiisa po kayo sa hudikatura. Makiisa po kayo sa judicial reform, suportahan niyo po ang judiciary.