Target ng House Committee on Justice na matapos ang kanilang pagdinig ukol sa determination of probable cause kaugnay ng impeachment case laban kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa susunod na buwan.
Nakatakda ring imbitahan ng komite ang isang dating mahistrado ng high tribunal gayundin ang dalawang psychiatrist na nagbigay ng grado kay Sereno bago siya itinalaga sa puwesto.
Kahapon, no show pa rin si Sereno sa pagpapatuloy ng pagdinig kaya’t pinalalahanan ito ni committee Chair at Mindoro Rep. Reynaldo Umali na mapipilitan silang pagbotohan ang nasabing reklamo.
Sakaling mapagbotohan na, sinabi ni Umali na target nilang maisumite ang committee report sa plenaryo bago ang kanilang holy week break.