Nanawagan na ang Malakanyang kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno na magbitiw na lamang sa puwesto at huwag ng hintaying mahatulan ng impeachment court ng senado.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, si Sereno na ang ikalawang incumbent chief justice na maaaring masibak sa puwesto sa pamamagitan impeachment na una nang nangyari kay dating Chief Justice Renato Corona.
Ito’y kung magmamatigas ang punong mahistrado na harapin ang impeachment trial at mapatunayan sa mga ebidensiya na lumabag sa alinman impeachable offenses.
Bilang isa aniyang senior practicing lawyer, ang panibagong impeachment conviction ng kasalukuyang Chief Justice ay makapipinsala na sa integridad ng hudikatura bilang isang institusyon.
Aminado naman si Roque na kahit si Pangulong Rodrigo Duterte ay nais ding maalis sa puwesto si CJ Sereno.
Samantala, itinaggi naman ng tagapagsalita ng Palasyo na ang kanyang pahayag laban sa punong mahistrado ay pakikialam ng ehekutibo sa trabaho ng lehislatura.