Sasagutin na ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno ang impeachment complaint laban sa kanya.
Ayon kay Atty. Carlo Cruz, tagapagsalita ni CJ Sereno, sa Lunes ay nakatakdang ihain ng legal team ng punong mahistrado ang tugon nito sa kasong impeachment.
Aniya, punto por punto ay sasagutin ng Chief Justice ang lahat ng mga akusasyon laban sa kanya.
“Chief Justice po siya, ang kanyang tungkulin ay hindi lang magbigay ng hustisya, tungkulin din niya bilang isang punong abogado na sundin kung ano ang mga nakasaad sa ating mga batas, alam naman po siguro ni Chief Justice Sereno kung ano ang mga procedure at requirements ng ating procurement law.” Ani Cruz
Samantala nirerespeto rin ng kampo si Sereno sakaling may mga mahistrado ang tetestigo sa impeachment proceedings.
“We have the highest respect to all the justices. Kung meron sa kanilang mag-testify sa proceedings, rerespetuhin natin sila.
Kung magte-testify, sana pakinggan sila ng taong bayan, at pagkatapos naman nila sana pakinggan din ang sagot ni CJ Sereno.” Pahayag ni Cruz
(Sapol Interview)