Astang diktador di umano si Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Isa ito sa mga tinukoy na dahilan ng VACC o Volunteers Against Crime and Corruption kayat sinampahan nila ng impeachment complaint si Sereno.
Ayon kay VACC Chairman Dante Jimenez, nagpapalabas ng administrative orders si Sereno nang walang pag-sang ayon ang Supreme Court En Banc.
Maliban dito, tatlong taon na rin anyang hindi pinupunan ni Sereno ang mga bakanteng posisyon sa hudikatura kahit nakakaapekto ito sa mabagal na justice system ng bansa dahil inilalaan niya ito sa mga malalapit sa kanya.
Nagpahayag ng pag-asa si Jimenez na agad silang makakakuha ng kongresista na mag-eendorso sa impeachment complaint laban kay Sereno.
Nangako aniya ang Secretary General ng Kongreso na bibigyan ng tig-isang kopya ang lahat ng mga kongresista upang mabasa ang nilalaman ng reklamo.
“Ito po yung creation niya ng new Judiciary Decentralized Office at ang reopening ng Regional Court Administration Office sa Western Visayas in the absence of an authority from the En Banc, dito lumalabas na para siyang diktador, if you will create an office you also have to give budget, so maaapektuhan yung budget ng Supreme Court.” Pahayag ni Jimenez
By Len Aguirre | Karambola Interview