Pinayuhan ni House Committee on Justice Chairman at Mindoro Rep. Reynaldo Umali si Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno na sundan na lamang ang naging yapak ni dating COMELEC Chairman Andres Bautista na magbitiw sa puwesto.
Ito’y ayon kay Umali ay para hindi na maaksaya pa ang oras ng Kongreso gayundin ng pondo ng bayan na siyang gagastusin sa panahon ng paglilitis sa punong mahistrado sa impeachment court.
Kasunod nito, tiwala si Umali na makabubuti para sa sambayanang Pilipino ang ginawang indefinite leave ni Sereno dahil kawawa lamang ang bansa sakaling manatili pa sa puwesto si Sereno.
Sa huli, sinabi ni Umali na wala nang babalikan pang puwesto si Sereno sa Korte Suprema sakaling manalo man ito sa impeachment court dahil hati-hati na ang mismong mga mahistrado nito na kumukuwesyon sa kaniyang liderato.
RPE