Aminado ang PhilHealth na mayroong pa silang mga kailangang bayaran partikular sa kanilang mga partner hospital.
Ngunit ayon kay Rey Baleña, tagapagsalita ng PhilHealth, ito’y dahil tuloy-tuloy ang pagdating ng claims mula sa kanilang mga partner hospital.
Maliban dito sinabi rin ni Baleña na mayroon ang PhilHealth na pataang araw para maiproseso ang mga claims na ito.
Pagkatanggap ng PhilHealth ay mayroon tayong 60 days within which ma-process natin ‘yan, mabayaran natin ‘yan, yun namang 60 days ay pasahan ‘yan at prescribed ng batas pero ang maganda ngayon hindi na umaabot ng 60 days. Ang aming national average turnaround time sa pagpo-proseso ng claims ay 39 days so, mas mabilis yun sa 60 days,” ani Baleña.
Sa ngayon aniya ay inaaral pa ng PhilHealth ang mahigit P20-B claims umano na hindi pa nababayaran ng ahensya sa mga pribadong ospital.
Batay kasi aniya sa kanilang huling datos noong 2020 kung saan may kabuuang 2.9-M claims na tinanggap ang PhilHealth, 87% rito ang kanila nang nabayaran.
87% ang aming nabayaran, ‘yan ay more or less 25-B ‘yan at yung balanse ay 8% n’yan ay ini-estimate namin na aabot ng 2.4-B ng worth of claims, binalik natin sa mga member hospital kung hindi naman natin dineny outright,” ani Baleña.