“Masakit ang mamatayan ng anak… isa rin akong ina.”
Ito ang binigyang diin ng beteranong singer na si Claire dela Fuente kaugnay sa pagkakasangkot ng kanyang anak na si Gregorio Angelo de Guzman sa flight attendant na si Christine Dacera na hinihinalang hinalay at pinaslang.
Ani Dela Fuente, naiintindihan nya ang dinaranas na pighati ngayon ng magulang ng nasawing flight attendant, ngunit hindi rin aniya maaaring tumahimik na lamang ang mga inosenteng tao na nadadamay sa naturang insidente.
Masakit po ang mamatayan ng anak.. alam ko po ‘yon dahil nanay ako… Masakit po ‘yon (ang mamatayan ng anal), pero hindi po pupwede na ang mga inosenteng tao ay nadadamay,” ani Dela Fuente.
Panawagan ni Dela Fuente na maging patas ang imbestigasyon hinggil sa kaso, mailabas ang tunay na mga ebidensya at hindi magamit ang impluwensya upang mapakulong ang mga aniya’y wala namang sala.
Hindi po pupwede na ang mga inosenteng tao ay nadadamay… gagawan natin ng istorya para makulong dahil may mga impluwensya tayo,” ani Dela Fuente.
Magugunitang kumalat sa social media ang kopya ng report ng medico-legal umano ni Dacera kung saan nakasaad na “ruptured aortic aneurysm” ang lumalabas na sanhi ng pagkamatay nito.
Malaking bagay po ‘yung autopsy report, kasi ‘yun po ang nagsasabi na walang naging penetration. Kaya hindi po pwedeng sabihing rape… Ang hinahanap nalang po nila ay kung anong nag-trigger do’n, kaya pwedeng natural causes lang po talaga,” ani Dela Fuente. —sa panayam ng Santos at Lima sa 882