Pumanaw na ang OPM icon na si Claire Dela Fuente sa edad na 62 taong gulang.
Ito ang kinumpirma ng mga kaanak ni Dela Fuente sa pamamagitan ng composer at producer na si Jonathan Manalo na malapit sa pamilya.
Mababatid na cardiac arrest ang dahilan ng pagkamatay ni Dela Fuente.
Namayagpag at nakilala si Dela Fuente bilang Asia’s sweetest voice, ilan din sa mga pinasikat nitong kanta ay ang ‘sayang,’ at ‘minsan, minsan.’