Naka-heightened alert na ang Clark International Airport Corporation (CIAC) laban sa nakamamatay na Middle East Respiratoty Syndrome-Corona Virus (MERS-CoV) kasunod ng nagaganap na outbreak nito sa South Korea.
Ayon kay CIAC President and CEO Dino Tanjuatco, nagpakalat na sila ng 24-hour high tech monitoring upang masiguro na hindi makakapasok ang mga pasaherong aperktado ng nasabing virus.
Bukod dito, maging ang mga airport security at ang quarantine section ay nakatutok na sa mga pasaherong nagmumula sa mga bansang apektado ng MERS-CoV.
By Rianne Briones
Photo Credit: clarkisit.com